Connect with us

Celebrities

Michael V. o “Bitoy”, Nagpositibo sa Covid-19

Published

on

Michael-V.-o-Bitoy,-Nagpositibo-sa-Covid-19

Michael V. na isang kilalang komidyante nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19).

Inianunsiyo ni Michael V. o kilala sa screen name na Bitoy” ito ngayong Lunes, sa kanyang vlog.

Ipinakita ni Michael V. sa kanyang video ang dokumento ng resulta ng kanyang swab test na nag sasabing nag positibo ang kilalang artista sa COVID-19.

Photo credit from Bitoy Story / Youtube

“That’s it, positive. It’s just as what we suspected early on,” sabi nya.

“We’ll get through this. We’ve been through worse. Sobrang namimiss ko na ‘yung pamilya ko (I miss my family so much),” dagdag pa ng komidyante.

Photo credit from Bitoy Story / Youtube

Bago nakuha ni Bitoy ang kanyang positibong resulta last Saturday, July 18, ipinakita niya rin ang kanyang pagqua-quarantine mula ng magkaroon sya ng flu, at pagkawala ng pang amoy na karaniwang sintomas ng COVID-19.

Bukod pa rito, binanggit rin niya kung gaano kahirap ang mahiwalay sa kanyang pamilya isang dagdag na aksyon na kanyang tinahak bilang precautionary measures laban sa COVID-19.

Photo credit from Bitoy Story / Youtube

“Honestly, I am worried not just for myself kundi pati sa pamilya ko (but also for my family). With your prayers and God’s help, I think we can go through this. I think it’s gonna be okay,” ang maiyak-iyak na sabi ng komedyante habang siya’y nasa kanyang 4th day ng isolation.

“Nakakainis lang isipin na ang lapit lapit nila, nasa kabilang kwarto lang, and yet hindi mo sila mayakap. Hindi mo sila mahalikan. I feel bad, but hopefully we will get through this and hopefully everything will be okay,” sabi pa ni Bitoy.

(It’s frustrating because they are so near, they are just in the adjacent room but you cannot hug them. You cannot kiss them.)

Sa kabila nito, nagawa pa ng Kapuso artist na magbiro tulad ng kanyang nakagawian.

Photo credit from Bitoy Story / Youtube

“Sabi pa naman ng iba masustansya ‘yung utak ko, mataba ‘yung utak ko. Baka pagpiyestahan ng mga virus eh,” sabi nya ng halong may pabiro.

Photo credit from Bitoy Story / Youtube

Nagpaswab-test si Bitoy sa kanyang ika-limang araw ng pag qua-quarantine.

“At the end of the day, narealize mo na lumipas na naman ang isang araw na mag-isa ka, but then again you look at it in a different perspective. Alam mong tomorrow is another day and malay mo bukas tapos na ito,” sabi ni Bitoy.

Sa ika-walong araw ng kanyang isolation natanggap nya na ang positibong resulta ng kanyang swab test na sinabi niyang nagkaroon lamang sya ng lagnat at nanumbalik na ang kanyang pangamoy.

Photo credit from Bitoy Story / Youtube

Sa kabila ng malungkot na anunsyo sa publiko, tinapos ng komedyante ang kanyang video o vlog ng may halong kaligayahan at pasasalamat sa mga taong sumusuporta sakanya sa kanyang laban sa COVID-19.

PANOORIN RITO:

READ ALSO: Nagsalita na si Catriona Gray ukol sa pasaring na posts sa kanya ng ex na si Clint Bondad

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Celebrities

Nagsalita na si Catriona Gray ukol sa pasaring na posts sa kanya ng ex na si Clint Bondad

Published

on

Nagsalita-na-si-Catriona-Gray-ukol-sa-pasaring-na-posts-sa-kanya-ng-ex-na-si-Clint-Bondad

Catriona Gray finally broke her silence amid ex Clint Bondad’s cryptic posting in his Instagram account.

Kamakailan lamang, sinimulan ni Clint na makuha ang atensyon ng publiko matapos na magbahagi siya ng ilang mga mahiwagang mensahe sa kanyang mga kwento sa IG. Ang GMA actor ay nagbigay ng ilang mga pahiwatig tungkol sa isang bagay at ninanais na niyang ibunyag.

Photo from Google

Nag-upload pa siya ng isang larawan ni Mona Lisa na maaring sumisimbolo sa kanyang dating si Catriona, ayon sa mga spekulasyon ng kanyang mga taga hanga, dahil narin sa ikalawang pangalan niya na Elisa.

Nagsumubok ang kanyang mga fans na alamin kung anong tinatagong mensahe o “code” sa likod ng kanyang mga posts..

Ang iba’y nakapag hinuha na ang mga posts ni Clint ay tungkol sa possibleng mas mabigat na rason kaysa sa rason “wanting to grow individually” na nagdulot ng kanilang hiwalayan.

Samantala naman, ang iba ay nag sasabing maaring tinutukoy ni Clint si Sam Milby na possibleng naging third-party sa kanilang relasyon, ngunit ang espekulasyon na ito ay hindi pa napapatunayan ng media.

Ang kanyang mga followers ay patuloy na sinusubay-bayan ang mga posts ng actor sa pagbabakasakaling mag bigay ito ng mas marami pang pahiwatig.

Sa kabila rin ng kanyang recent IG story na nagpapakita bilang mensahe kay Sam Milby, hindi pa nag papahayag ng reaksyon ang Kapamily actor tungkol sa issue.

Ngunit, ang ex ni Clint nasi Catriona Gray, Ms. Universe 2018 ay nag salita na sa kanyang Instagram account.

Ngunit ang kanyang mensahe ay hindi inaasahan ng publiko sapagkat ito’y pawang isang lyrics mula sa kangtang “See A Victory” ng Elevation Worship band.

Ang beauty queen na kilalang Christian ay nagpasya na mas mahusay na kumalat ang ilang mensahe ng pag-iinit ng puso sa halip na gumanti nang marahas tungkol sa isyu.

“The weapon may be formed but it won’t prosper. When the darkness falls it won’t prevail. ‘Cause the God I serve knows only how to triumph. My God will never fail.” ayon sa kanyang story.

Ano ang masasabi mo tungkol sa kuwentong ito? Ibahagi sa amin ang iyong mga saloobin sa seksyon ng komento sa ibaba at magkaroon tayo ng ilang mga talakayan!

Continue Reading

Celebrities

Silipin Ang Buhay Ngayon ni Joshua Dionisio, Dating Viva-Films Child Star Aktor

Published

on

Silipin-Ang-Buhay-Ngayon-ni-Joshua-Dionisio,-Dating-Viva-Films-Child-Star-Aktor

Si Joshua Dionisio ay isa sa mga pinaka-popular na child star ng kanyang henerasyon. Nagsimula ang kanyang showbiz career ng siya ay 8-taong gulang pa lamang. Siya ay na-discover ng Viva Films aat ABS-CBN ng lumabas siya sa isang TV commercial.

Ang kanyang pagiging charming at cute child star ang talagang tumatak sa maraming mga manonood lalo na nga ng maging parte siya noon ng kid-oriented series na “Super Inggo”.

Photo Credit: hplarjoshuadionisio/Instagram

Ilang mga proyekto rin ang nagawa ni Joshua sa telebisyon, ngunit ang talagang nagpakilala sa kanya sa publiko ay ng maging parte siya ng “Super Inggo” kung saan ay gumanap siya bilang isa sa mga matalik na kaibigan ng bida ng serye na si Makisig Morales.

Photo Credit: hplarjoshuadionisio/Instagram

Maliban nga sa Super Inggo, ay marami ring mga pelikula at serye ng Kapamilya network ang kinabibilangan ni Joshua. Isa na nga sa mga ito ay ng maging parte siya ng seryeng “Maria Flordeluna”, at gumanap bilang taong nagmamahal kay Maria.

Photo Credit: hplarjoshuadionisio/Instagram

Naging lead cast din siya ng “Kung Fu Kids” series, kung saan ay kabilang siya sa mga bidang bata na may mga superpowers.

Photo Credit: hplarjoshuadionisio/Instagram

Bumida rin siya sa isang episode ng “Maalaala Mo Kaya”, na pinamagatang “Sako”, kung saan dahil sa kanyang ipinakitang galing sa pag-arte sa nasabing episode ay nagwagi siya ng isang parangal mula sa PMPC Award noong 2008.

Photo Credit: hplarjoshuadionisio/Instagram

READ ALSO: Nagsalita na si Catriona Gray ukol sa pasaring na posts sa kanya ng ex na si Clint Bondad

Samantala, matapos ang ilang taong pagiging artista sa ilalim ng pamunuan ng ABS-CBN, taong 2009 ng magdesisyon si Joshua na lumipat sa rival network na GMA-7.Paglipat pa lamang sa kabilang network ay agad na sumalang si Joshua sa kanyang unang proyekto room at ito nga ay ang “Pilyang Kerubin” at maging sa Philippine adaptation of KDrama series na “Stairway to Heaven” ay kabilang din si Joshua.Isa nga sa mga naging katambal ni Joshua sa mga proyektong kanyang ginawa sa GMA-7 ay ang aktres na si Barbie Forteza. Una siyang nag tambal ni Barbie sa “Tween Hearts”, isang teens oriented show na mapapanood noon sa GMA-7.Taong 2013 naman ng muling bumalik sa ABS-CBN network si Joshua, ngunit paglipas ng tatlong taon ay lumipat muli ito sa GMA-7.

Sa ngayon ay masaya si Joshua sa kanyang buhay pag-ibig, kasama ang kanyang non-showbiz girlfriend. Taong 2018 ng magsimulang mag date ang dalawa, at ngayon nga ay kitang kita sa mga larawan nilang dalawa na ibinahagi ni Joshua sa kanyang Instagram kung gaano sila kasaya at kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.Kamakailan nga lamang, ay muling lumabas sa telebisyon si Joshua ng mag-guest siya sa “Bawal Judgemental” ng longest-running noontime show na “Eat Bulaga” ng GMA-7.

Continue Reading

Get Updated